Blog Breakaway – “Lunes” Ancient Poetry by Yours Truly

I surprised myself.  I rediscovered my personal online blogger journal, which of course I won’t be reviving or sharing the link of here.  I hadn’t realized I’d written so much between 2004 and 2007, the years when I first worked in post production and lived in a dinky apartment adjacent to the hum and buzz further in from the Makati B-side area.

How my dog, Jack,  feels about Mondays, or days that end in Y.

Back then when I used to write a lot more about more meaningful things (LOL) I even did some poetry to put my mind at ease.  Here’s one to reassure you that Monday does come to an end.  Haha.

LUNES

kapag sumilip ang liwanag

sa pagtulog na ni buwan

ako’y pakipot pang dumilat

bespren ko pa si unan

kamot kamot sa mata

konting hikab pang bitin

yoko pang malaman

kung wala na’ng bawat bituin

pag abot sa telepono

may konti pang dasal

na sana maaga aking bangon

kalayo pa ng almusal

ngunit sa sigaw na ng mga bata

na patakbo takbo doon

alam kong gising na ang linggo

Inaantay na ako ni sabon

Natapos din ang signal #2

sa loob ng banyong kyut

wag limutin ang mga kalat

dapat sa basura syut na syut

sa isang kwarto sa ciudad

na sa totoo’y napakaliit

ang simula ng bawat araw

nitong babaeng makulit

parang simple lang ang buhay

pero minsan sobrang hindi

alam naman natin kung bakit

lagi sa trabahong nagmamadali

kaya eto nalang ako bigla

nakaupo at napapaisip

marami palang masasabi

tungkol sa “kondo” kong masikip

Dating dati ang huling pagtula

mukhang naubusan na ng Ingles

Sa pagsusulat wala akong sawa

patapos na rin ang aking Lunes

Page 1 of 2 | Next page